Ang Working Families Tax Credit ay isang bagong refund sa buwis na tumutulong sa mga manggagawa sa Washington, at mas maraming makukuhang pera ang pamilya nila sa panahon ng pagbubuwis. Ibinabalik ng refund ang isang bahagi ng buwis sa benta na ibinabayad bawat taon at itinulad sa pederal na programa ng Credit sa Buwis Para sa Kita (Earned Income Tax Credit, EITC).
Magbibigay ang programa ng Working Families Tax Credit (WFTC) ng kabayaran mula sa $300 hanggang $1,200 sa bawat tao na may mababa hanggang katamtamang kita na karapatdapat sa credit.
Sino ang kwalipikado?
Kwalipikado ang mga indibidwal at pamilya para sa Working Families Tax Credit kung natutugunan nila ang lahat ng sumusunod na kinakailangan:
- May valid na Numero ng Social Security (Social Security Number, SSN) o Numero ng Pagkakakilanlan ng Indibidwal na Nagbabayad ng Buwis (Individual Taxpayer Identification Number, ITIN).
- Nakatira sa Washington nang di bababa sa 183 araw sa taon ng pabubuwis (mahigit sa kalahating taon).
- Dapat na 25 hanggang 64 taong gulang O may anak na kwalipikado.
- Pinunan ang 2022 pederal na tax return.
- Kwalipikadong kumuha ng pederal na Credit sa Buwis Para sa Kita EITC sa kanilang 2022 tax return (o makakatugon sa mga kinakailangan para sa EITC pero nag-file ng ITIN).
- Pumunta sa www.irs.gov/EITC para sa higit pang impormasyon.
Magkano ang halaga ng credit?
Iba-iba ang halaga ng credit depende sa dami ng kwalipikadong anak at antas ng kita.
Ang pinakamataas na halaga ng credit ay mula $300 hanggang $1,200 depende sa bilang ng mga kwalipikadong anak (tingnan ang talahanayan sa ibaba). Pagkatapos ay babawasan ang mga halagang ito batay sa laki ng kita, batay sa pederal na programa ng EITC. Ang pinakamababang halaga ng credit ay $50, gaano man karami ang bilang ng mga kwalipikadong anak. Sumusunod ang mga patakaran ng Washington para sa pagpili ng mga kwalipikadong anak sa mga pederal na kinakailangan ng EITC.
Bilang ng mga kwalipikadong anak | Kailangang mas mababa ang kita ng applicant kaysa sa sumusunod | Maximum na halaga ng credit | |
---|---|---|---|
Walang Asawa | May asawa (magkasamang pag-file) |
||
0 | $16,480 | $22,610 | $300 |
1 | $43,492 | $49,622 | $600 |
2 | $49,399 | $55,529 | $900 |
3 | $53,057 | $59,187 | $1,200 |
Paano mag-apply?
Online
Mag-apply gamit ang My DOR, ang aming secure na online na filing system. Available sa wikang English at Spanish.
Sa papel
Mag-download ng PDF application na ipapadala sa koreo o nang personal sa isa sa aming mga opisina. Mag-download ng aplikasyon at mga tagubilin:
Efile
Mag-apply gamit ang software sa paghahanda ng buwis. Tingnan kung saang mga kompanya ka puwedeng mag-apply. Maghanap ng kompanya na naghahanda ng buwis. Puwedeng maningil ng bayad ang mga kompanyang ito para sa kanilang mga serbisyo. Maghanap ng tulong para sa libre o murang pag-file ng buwis.
Humingi ng tulong
Humingi ng tulong sa iyong komunidad
Mga karagdagang libreng mapagkukunan
Bigyan ng pahintulot ang isang tao na makipag-usap sa amin tungkol sa aplikasyon mo
Nakapagsumite ka na ng aplikasyon? Tingnan ang status ng refund mo
Humiling ng mga serbisyo sa wika o ibang format.
Petisyon sa Pagrerepaso ng Working Families Tax Credit.