Isang pagsasauli ng pagbabayad ng buwis ang Working Families Tax Credit (Kredito sa Buwis ng Mga Pamilyang Nagtatrabaho) na tumutulong sa mga manggagawa ng Washington, at mas maraming maibabalik na pera sa kanilang mga pamilya sa panahon ng buwis. Ibinabalik ng pagsasauli ng pagbabayad ang isang bahagi ng buwis sa pagbebenta na binayaran taun-taon at itinulad sa pederal na programa ng Kredito sa Buwis ng Kinita (Earned Income Tax Credit, EITC).
Magbibigay ang programa ng Working Families Tax Credit (WFTC) ng kabayaran mula sa $315 hanggang $1,255 sa bawat tao na may mababa hanggang katamtamang kita na karapatdapat sa credit.
Sino ang kwalipikado?
Kwalipikado ang mga indibidwal at pamilya para sa Working Families Tax Credit kung natutugunan nila ang lahat ng sumusunod na kinakailangan:
- May valid na Numero ng Social Security (Social Security Number, SSN) o Numero ng Pagkakakilanlan ng Indibidwal na Nagbabayad ng Buwis (Individual Taxpayer Identification Number, ITIN).
- Nakatira sa Washington nang di bababa sa 183 araw sa taon ng pabubuwis (mahigit sa kalahating taon).
- Dapat na 25 hanggang 64 taong gulang O may anak na kwalipikado.
- Pinunan ang 2023 pederal na tax return.
- Kwalipikadong kumuha ng pederal na Credit sa Buwis Para sa Kita EITC sa kanilang 2023 tax return (o makakatugon sa mga kinakailangan para sa EITC pero nag-file ng ITIN).
- Pumunta sa www.irs.gov/EITC para sa higit pang impormasyon.
Magkano ang halaga ng credit?
Iba-iba ang halaga ng credit depende sa dami ng kwalipikadong anak at antas ng kita.
Ang pinakamataas na halaga ng credit ay mula $315 hanggang $1,255 depende sa bilang ng mga kwalipikadong anak (tingnan ang talahanayan sa ibaba). Pagkatapos ay babawasan ang mga halagang ito batay sa laki ng kita, batay sa pederal na programa ng EITC. Ang pinakamababang halaga ng credit ay $50, gaano man karami ang bilang ng mga kwalipikadong anak. Sumusunod ang mga patakaran ng Washington para sa pagpili ng mga kwalipikadong anak sa mga pederal na kinakailangan ng EITC.
Bilang ng mga kwalipikadong anak | Kailangang mas mababa ang kita ng applicant kaysa sa sumusunod | Maximum na halaga ng credit | |
---|---|---|---|
Walang Asawa | May asawa (magkasamang pag-file) |
||
0 | $17,640 | $24,210 | $315 |
1 | $46,560 | $53,120 | $625 |
2 | $52,918 | $59,478 | $940 |
3 | $56,838 | $63,398 | $1,255 |
Mag-apply para sa isang naunang taon ng buwis 2022
Paano mag-apply?
Online
Mag-apply gamit ang My DOR, ang aming secure na online na filing system. Available sa wikang English at Spanish.
Sa papel
Mag-download ng PDF application na ipapadala sa koreo o nang personal sa isa sa aming mga opisina. Mag-download ng aplikasyon at mga tagubilin:
Efile
Mag-apply gamit ang software sa paghahanda ng buwis. Tingnan kung saang mga kompanya ka puwedeng mag-apply. Maghanap ng kompanya na naghahanda ng buwis. Puwedeng maningil ng bayad ang mga kompanyang ito para sa kanilang mga serbisyo. Maghanap ng tulong para sa libre o murang pag-file ng buwis.
Humingi ng tulong
Humingi ng tulong sa iyong komunidad
Nakipag-partner kami sa mga lokal na organisasyong ito para magbigay ng tulong at magpalaganap ng kaalaman tungkol sa Working Families Tax Credit. Makakapagbigay sila ng kaalaman at tutulong sa pagsagot ng mga aplikasyon.
Mga karagdagang libreng mapagkukunan
Bukod sa ating mga partner sa komunindad, may iba pang libreng tulong kasama ang boluntaryong paghahanda ng buwis at pinansyal na mapagkukunan. Matuto pa (sa wikang English at Spanish).
Bigyan ng pahintulot ang isang tao na makipag-usap sa amin tungkol sa aplikasyon mo
Kung gusto mong may ibang taong makipag-usap sa amin tungkol sa aplikasyon mo o impormasyon sa WFTC account, kakailanganin mong magbigay sa amin ng nakasulat na approval gamit ang aming form: Awtorisasyon para sa Kumpidensiyal na Impormasyon sa Buwis (Confidential Tax Information Authorization, CTIA).
Nakapagsumite ka na ng aplikasyon?
Tingnan ang status ng refund mo (sa wikang English o Spanish).
Humiling ng ibang format o wika
Para makahiling ng content na ito sa ibang format o wika, tumawag sa 360-763-7300, mag-email sa DORWFTC@dor.wa.gov, o punan ang Humiling ng mga serbisyo sa wika o ibang format. Sa mga user ng Teletype (TTY), paki-dial ang 711.
Humiling ng pagsusuri
Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon kaugnay ng iyong aplikasyon sa WFTC, may karapatan kang humiling ng pagsusuri. Tinatawag namin itong "petisyon para sa pagsusuri."
Puwede kang humiling ng pagsusuri para sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Pagsusuri ng sobrang pagbabayad.
- Hindi tinanggap na aplikasyon.
- Nakatanggap ka ng sulat ng desisyon mula sa departamento.
Kailangang matanggap ang kahilingan para sa pagsusuri sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng desisyon, gaya ng petsa sa sulat o utos na natanggap mo. Ang mga petisyon para sa pagsusuri na ipinadala ng US Postal Service ay itinuturing na na-file na batay sa petsang nasa sulat. Ang mga petisyon para sa pagsusuri na na-file sa ibang paraan ay itinuturing na na-file na batay sa petsa kung kailan ito natanggap.
Paano hihiling ng pagsusuri
Para humiling ng pagsusuri, kailangan mong mag-file ng nakasulat na petisyon.
Mga sobrang pagbabayad
Kung natukoy na sobra ang pagbabayad sa iyo, puwede kang mag-file ng Petisyon para sa Pagsusuri gamit ang isa sa sumusunod na opsyon:
- Online gamit ang My DOR. Tingnan ang mga tagubilin (sa wikang English o Spanish).
- Sa pamamagitan ng papel gamit ang Petisyon sa Pagrerepaso ng Working Families Tax Credit.
Iba pang sitwasyon
Para sa lahat ng iba pang sitwasyon, gamitin ang Petisyon sa Pagrerepaso ng Working Families Tax Credit.
Legal na kinatawan
Puwede mong gawing kinatawan ang sarili mo o kumuha ng iba na kinatawan mo (gaya ng iyong accountant o tagapaghanda ng buwis). Pero kung may kinatawan ka, kailangan mong kumpletuhin at pirmahan ang form na Awtorisasyon sa Kumpidensiyal na Impormasyon sa Buwis ng WFTC Awtorisasyon para sa Kumpidensiyal na Impormasyon sa Buwis (CTIA) na nagbibigay sa amin ng pahintulot na ibigay ang iyong impormasyon ng buwis sa iyong kinatawan. Para maging madali para sa iyo, may seksyong CTIA ang form ng petisyon para pirmahan mo.
Imbitahan kaming magsalita
Para mag-imbita ng tagapagsalita na magpapaliwanag sa iyo o sa organisasyon mo, mag-email sa DORWFTC@dor.wa.gov para makapag-iskedyul.
Outreach Advisory Committee
Ang Department of Revenue (DOR) ay bumuo ng Outreach Advisory Committee para pahusayin ang mga paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal na nag-a-apply para sa Credit sa Buwis Para sa mga Pamilyang May Trabaho WFTC at mga partner na nagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa bagong programang ito. Matuto pa (sa wikang English o Spanish).
Magsumite ng reklamo
Kung humiling ka, pero HINDI ka nakatanggap, ng mga serbisyo mula sa empleyado o kinatawan ng Department of Revenue sa ibang format o gustong wika (kasama ang mga serbisyo sa sign language), puwede kang magsumite ng reklamo.
May mga tanong?
Mag-email sa DORWFTC@dor.wa.gov o tumawag sa 360-763-7300. Available ang serbisyo ng tagapagsalin.