Working Families Tax Credit

Mag-apply para sa kredito sa buwis nang 2023

Isang pagsasauli ng pagbabayad ng buwis ang Working Families Tax Credit (Kredito sa Buwis ng Mga Pamilyang Nagtatrabaho) na tumutulong sa mga manggagawa ng Washington, at mas maraming maibabalik na pera sa kanilang mga pamilya sa panahon ng buwis. Ibinabalik ng pagsasauli ng pagbabayad ang isang bahagi ng buwis sa pagbebenta na binayaran taun-taon at itinulad sa pederal na programa ng Kredito sa Buwis ng Kinita (Earned Income Tax Credit, EITC).

Magbibigay ang programa ng Working Families Tax Credit (WFTC) ng kabayaran mula sa $315 hanggang $1,255 sa bawat tao na may mababa hanggang katamtamang kita na karapatdapat sa credit.

Sino ang kwalipikado?

Kwalipikado ang mga indibidwal at pamilya para sa Working Families Tax Credit kung natutugunan nila ang lahat ng sumusunod na kinakailangan:

  • May valid na Numero ng Social Security (Social Security Number, SSN) o Numero ng Pagkakakilanlan ng Indibidwal na Nagbabayad ng Buwis (Individual Taxpayer Identification Number, ITIN).
  • Nakatira sa Washington nang di bababa sa 183 araw sa taon ng pabubuwis (mahigit sa kalahating taon).
  • Dapat na 25 hanggang 64 taong gulang O may anak na kwalipikado.
  • Pinunan ang 2023 pederal na tax return.
  • Kwalipikadong kumuha ng pederal na Credit sa Buwis Para sa Kita EITC sa kanilang 2023 tax return (o makakatugon sa mga kinakailangan para sa EITC pero nag-file ng ITIN).

Ano ang mga kinakailangan sa kita?

Nag-iiba ang halaga ng credit para sa 2023 depende sa bilang ng mga kwalipikadong anak at antas ng kita.

Ang maximum na halaga ng credit ay $315 hanggang $1,255, depende sa bilang ng mga kwalipikadong anak. Binabawasan ang mga halagang ito batay sa mga limitasyon sa kita, na tulad sa programa ng pederal na Credit sa Buwis sa Kita (Earned Income Tax Credit, EITC). Ang minimum na halaga ng credit ay $50, anuman ang bilang ng mga kwalipikadong anak. Sumusunod ang mga patakaran ng Washington para sa pagpili ng mga kwalipikadong anak sa mga pederal na kinakailangan ng EITC.

Mas mababa dapat sa mga sumusunod na halaga ang kita ng mga aplikante para matanggap nila ang credit.

Bilang ng mga kwalipikadong anak Walang Asawa, Lider ng Sambahayan, o May Asawa (hiwalay na nagfa-file) May Asawa (nagfa-file nang magkasama) Maximum na refund sa credit
0 $17,640 $24,210 $315
1 $46,560 $53,120 $625
2 $52,918 $59,478 $940
3 $56,838 $63,398 $1,255

Paano mag-apply?

Online

Mag-apply gamit ang My DOR, ang aming secure na online na filing system. Available sa wikang English at Spanish.

Sa papel

Mag-download ng PDF application na ipapadala sa koreo o nang personal sa isa sa aming mga opisina (sa wikang English at Spanish). Mag-download ng aplikasyon at mga tagubilin:

Efile

Mag-apply gamit ang software sa paghahanda ng buwis. Tingnan kung saang mga kompanya ka puwedeng mag-apply. Maghanap ng kompanya na naghahanda ng buwis (sa wikang English at Spanish). Puwedeng maningil ng bayad ang mga kompanyang ito para sa kanilang mga serbisyo. Maghanap ng tulong para sa libre o murang pag-file ng buwis (sa wikang English at Spanish).

Humingi ng tulong

Humingi ng tulong sa iyong komunidad

Mga karagdagang libreng mapagkukunan

Bigyan ng pahintulot ang isang tao na makipag-usap sa amin tungkol sa aplikasyon mo

Nakapagsumite ka na ng aplikasyon? Tingnan ang status ng refund mo (sa wikang English at Spanish)

Humiling ng mga serbisyo sa wika o ibang format

Petisyon sa Pagrerepaso ng Working Families Tax Credit.

magsumite ng reklamo