Simula sa 2023, ang bayad mula sa buwis para sa mga Nagtatrabahong Pamilya ay ipamimigay sa mga tao na may mababa hanggang katamtamang kita na nag-uumpisa sa $300 hanggang $1,200. Ito ay makakamit kapag natamo nila ang kaukulang pamantayan para maging kwalipikado.
Sino ang maaaring bigyan?
Para ikaw ay mabayaran, kailangan mong matamo ang mga sumusunod na pamantayan ukol sa taon ng pagbibigay ng kabayaran:
- Ikaw at ang iyong asawa (kung nag-sumite ng Federal Tax Return ng sabay).
- Kung natamo ang pamantayan ng Federal Earned Income Tax Credit (EITC), o kaya natugunan mo ang pamantayan ng EITC pero nag sumite ka gamit ang iyong pang-sariling Tax Identification Number (ITIN).
- Ikaw ay dapat nasa 25 pero mababa sa 65 na taong gulang o may anak ka na kwalipikado.
- Tumira ka sa Washington ng higit sa 180 na araw.
Magkano ang makukuhang Bayad?
Magbabago ang halaga ng matatanggap depende sa bilang ng kwalipikadong anak at antas ng kita.
Ang pinakamataas na halagang matatanggap ay mula $300 hanggang $1,200 depende sa bilang ng mga kwalipikadong anak (tingnan ang talahanayan sa ibaba). Pagkatapos, babawasan ang mga halagang ito batay sa mga limitasyon ng kita, na katulad ng pederal na programa. Ang pinakamababang halaga ng kabayaran ay $50, gaano man karami ang bilang ng mga kwalipikadong anak.
Bilang ng kwalipikadong anak | Pinakamataas na halaga ng kabayaran |
---|---|
0 | $300 |
1 | $600 |
2 | $900 |
3 o higit pa | $1200 |
Paano mag-apply?
Simula sa 2023, ang lahat ng mga taong kwalipikado ay dapat mag apply sa Department of Revenue (DOR).
Anyayahan kami
Upang mag-imbita ng tagapagsalita na magpepresenta sa iyo o sa iyong organisasyon, mangyaring mag-email sa DORWorkingFamiliesOutreach@dor.wa.gov para makakuha ng iskedyul.
Paggawa ng panuntunan
Alamin ang higit pa tungkol sa proseso ng paggawa ng panuntunan ng Kagawaran ng Rentas o bisitahin ang aming FAQ ukol sa paggawa ng panutunan.
Komite ng Tagapayo ng Pagtulong sa Komunidad
Upang matiyak na ang programa ay pantay-pantay at natutugunan ang mga pangangailangan ng customer, nagpaplano kaming lumikha ng isang Komite ng Tagapayo ng Pagtulong sa Komunidad upang makatulong sa pagbibigay kaalaman at paggabay sa pagpapatupad ng isang matatag na estratehiya sa pagtulong. Higit pang impormasyon ang ipo-post kapag mayroon na nito.
Mga katanungan?
Mag-email: DORWFTC@dor.wa.gov.